Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo (Wikang Espanyol: len·guas aus·tro·ne·sias; Ingles: Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya. Katulad siya ng mga mag-anak na wikang Indo-Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula sa Lating auster (hangin mula sa timog), at ng Griyegong nêsos (pulo). Ang naturang pamilya ay pinangalanan bilang sa pangmadlang ng mga wikang Awstronesyo na ginagamit sa mga kapuluan: ngunit may mga wika tulad ng Malay at mga Wikang Tsamiko, na katutubo sa mismong kontinente ng Asya. Karamihan sa mga wikang Awstronesyo ay kaunting katutubong tagapagsalita, ngunit ang mga pangunahing wikang Awstronesyo ay ginagamit ng milyun-milyong katao. Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing. Iba't ibang pinagmumulan ng mga wika ang naiiba, ngunit ang Austronesian at Niger-Congo ay ang dalawang pinakamalaking pamilya ng wika sa mundo sa bilang ng mga wika na naglalaman ng mga ito, bawat isa ay may halos isang-ikalima sa kabuuang wika na binibilang sa mundo. Ang heograpikong pagkakalat ng mga lupain ng mga wika ay isa sa mga pinakamalawak, na nagsisimula sa Madagaskar hanggang sa Pulo ng Paskuwa. Ang mga wikang Hawayano, Rapanui at Malgatse (ginagamit sa Madagaskar ay ang mga hangganang heograpiko ng pamilyang Awstronesyo. Ang pamilyang Awstronesyo ay may maraming pangunahing sanga, maliban sa isa na matatagpuan lamang sa Taywan. Ang mga wikang Pormosyano ng Taiwan ay ipinangkat bilang kasingdami ng siyam na unang subgrupo ng Awstronesyo. Ang lahat ng wikang Awstronesyo na ginagamit sa labas ng Taiwan (kasama ang Wikang Yami) ay nabibilang sa sangang Malayo-Polinesyo, na minsan ding tinatawag na Extrapormosyano. Marami sa mga wikang Awstronesyo ang nagungulang ng mahabang kasaysayan ng nakasulat na atestasyon (patotoo ng pag-iral). Ang pinakalumang inskripsyon sa wikang Tsam, ang Inskripsyong Đông Yên Châu, na tinatayang naisagawa noong ika-6 na siglo sa pinakahuli nito, ay ang unang patotoo rin ng isang wikang Awstronesyo.
Developed by StudentB